Sabado, Hulyo 30, 2011

MINIMITHING PANGARAP
Johnny Tagare

Noong ako'y isinilang sa mundong ginagalawan,
Pakiwari ko'y kayhirap,kayramot ng kapalaran,
Bakit ganito buhay ay kay simple lang,
Minimithi kong pangarap akin kayang makakamtan?


Sa aking murang edad wala akong iniisip,
Pakikipaglaro sa kapwa ang aking laging sambit,
Isinantabi muna ang pangarap, sadyang napakalupit,
Ito ba'y tuluyan ng mawawala't di na makakamit?


Salamat na lubos magulang ko'y nariyan,
Ako'y pinag-aral ibinigay ang bagong buhay,
Puno ng pangaral maging ang magagandang asal,
Upang pangarap ko'y unti-unti ng masimulan.


Pangarap ko'y maging doktor o di kaya'y piloto,
Pwede rin isang guro o kaya'y inhinyero,
Talaga bang ganito, isip ko'y litung-lito,
Abogado na lang kaya para ako'y sigurado.


Ngayong minimithi ko sa buhay akin ng natutupad,
Upang makaahon sa kahirapan at sa buhay na salat,
Maipagmamalaki sapagkat may pinag-aralang ganap,
Na isangg nilalang na may munting pangarap.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento