Martes, Hulyo 26, 2011

AMA DAKILA KA
Johnny Tagare


Ang pagiging ama sa anak ay di isang biro,
Bagkus ito'y responsibilidad at di rin isang laro,
Kayod buong araw, pagod ay di tanto,
Sakripisyo bilang ama, buong buhay iaalay sa inyo.

Taguri sa ating ama ay haligi ng tahanan,
Problema ng pamilya sa kanya ipaalam,
Upang suliranin agad na masolusyunan,
Nang ang kasawian ay mahahadlangan.

Pagpapalaki sa anak ay di pinagsisihan,
Sapagkat ito'y biyaya ng Poong Maykapal,
Kaya't ikaw ama ay isang huwaran,
Sa iyong mga anak, maging sa sanlibutan.

Seguridad ng pamilya ay iyong gabayan,
Nang ang iyong mga anak yapak mo'y masundan,
Kaligayahan ng bawat isa lubos na mararamdaman,
Tungkulin bilang ama iyong ginampanan.

Sa iyong kadakilaan ay ipinagmamalaki kita,
Sa iyong ipinakita ay naging totoo ka,
Respeto sa bawat isa iyong tinamasa
Ito'y dala-dala hanggang sa aming pagtanda.

Dakila ka ama, nais kong sabihin saiyo,
Habang nabubuhay at kasa-kasama mo,
Paano kaya kong ika'y mawalay at maglaho,
Magigiging mabuting ama rin kaya ako, sa magigiging anak ko?






Walang komento:

Mag-post ng isang Komento