Martes, Hulyo 26, 2011

HUWARANG INA

HUWARANG INA
Johnny Tagare



Isang karangalan sa aking pagkatao ang maisilang sa mundo,
Na nagtaatamasa ng kaligayahan at pag-asa na ibinahagi ng idolo ko,
Ang aking ina na hanggang paglaki ay kasa-kasama ko,
Taos pusong pasasalamt at pagmamahal ang nais kong isukli saiyo.


Simula pagkabata ikaw ang siyang tanging gabay,
Upang sa maling gawain ay di maligaw,
Tamang pangaral, maging ang tamang asal,
Nang aking butihing ina at kanyang ibinigay.


Ngayong ako'y nasa tamang edad at nagkaisip na,
Mga tamang gawain patuloy na tinatamasa,
Responsibilidad ko bilang anak dapat kahanga-hanga,
Taas noo kong ipinagmamalaki ang aking huwarang ina.


Ang kahirapan sa buhay ay di isang napakalaking hadlang,
Upang tagumpay ng bawat isa ay di makakamtan,
Edukasyon ay isa sa natatanging paraan,
Aniya ng aking ina, iya'y di mananakaw ninuman.


Salamat ina, ikaw ay nagsilibing inspirasyon,
Hanggang sa aking paglaki ikaw ay laging naroon,
Nawa'y di magwakas ang mundo at magbago ang panahon,
Kung ika'y mawala't lumisan, paano na ako ngayon?






Walang komento:

Mag-post ng isang Komento