Sabado, Hulyo 30, 2011

MINIMITHING PANGARAP
Johnny Tagare

Noong ako'y isinilang sa mundong ginagalawan,
Pakiwari ko'y kayhirap,kayramot ng kapalaran,
Bakit ganito buhay ay kay simple lang,
Minimithi kong pangarap akin kayang makakamtan?

Sa aking murang edad wala akong iniisip,
Pakikipaglaro sa kapwa ang aking laging sambit,
Isinantabi muna ang pangarap, sadyang napakalupit,
Ito ba'y tuluyan ng mawawala't di na makakamit?

Salamat na lubos magulang ko'y nariyan,
Ako'y pinag-aral ibinigay ang bagong buhay,
Puno ng pangaral maging ang magagandang asal,
Upang pangarap ko'y unti-unti ng masimulan.

Pangarap ko'y maging doktor o di kaya'y piloto,
Pwede rin isang guro o kaya'y inhinyero,
Talaga bang ganito, isip ko'y litung-lito,
Abogado na lang kaya para ako'y sigurado.

Ngayong minimithi ko sa buhay akin ng natutupad,
Upang makaahon sa kahirapan at sa buhay na salat,
Maipagmamalaki sapagkat may pinag-aralang ganap,
Na isangg nilalang na may munting pangarap.

HAGUPIT NG MASAMANG KALAMIDAD
Johnny Tagare

Di magandang panahon, kalangita'y umiiyak,
Madilim na ulap walang tigil sa pag-iyak.
Kapaligiran ani mo'y wala ng liwanag,
Ito ba'y dulot ng masamng kalamidad?

Bagyo't mga unos dapat nating paghandaan,
Hagupit ng masamng kalamidad di natin maiiwasan,
Maging alerto isabulat ang kalaaman,
Sa mga nangyayari sa ating kapaligiran,

Kabataan huwag sirain magagandang tanawin,
Ganun din likas na yaman na biyaya sa atin,
Kapag ito'y nawala pa'nu bukas na darating,
Inang kalikasan huwag nating pasakitin.

Upang baha'y malunasan, tayo'y magtanim ng mga puno,
Ikaw na walang pakialam itigil ang pagtotroso,
Sumangguni't magsumbong sa maimpluwensyang tao,
Kagubata'y maprotektahan, di na makakalbo.

Kapag masamang kalamidad ay lilisan,
Gawing kaaya-aya, buhay na makabuluhan,
Masamang simulain tuluyan ng lubayan,
Bagong pag-asa't kaligayahan,kamtin ang kaunlaran.

MAMAYA NA
(Kaugaliang Pilipino)
Johnny Tagare

Meron akong nais gawin, walang ideya kung papano sisimulan,
Nakakabigat ng loob, utak ay nahihirapan,
Hindi mo ako alipin, maawa ka naman,
Gagawin ko ito, pero mamaya na lang.

Proyekto sa eskwela ang aking iniinda,
Sunog-kilay kong uumpisahan maitaas lang ang marka,
Baon ay madadagdagan, napakawais ko ba?
Pag-iigihan ko para ako'y makaipon pa.

Pagkakuha ko ng cellphone, ako'y merong mensahe,
Ito'y padala pa buhat sa aking kaklase,
Ako'y iniimbitahan, sa party ay makisali,
Sa palagay mo kaya ako'y makakatanggi?

Kung iisipin, sa proyekto ay wala ka ng takas,
Pero sabado pa lang, meron pa namang bukas,
Bahala na si Batman, sayo muna'y aaklas,
Ako'y dadalo't makikikain,makikipaghiyawan ng malakas.

Binibigyan ka ng panahon, responsibilidad mo'y gawin,
Huwag sabihing maya-maya ika'y magsisisi rin,
Ito'y isang oportunidad dapat na sulitin,
Upang ngiti sa mga labi huwag ng papalampasin.

Martes, Hulyo 26, 2011

Madilim na ulap walang tigil sa pag-iayk.
Kapaligiran ani mo'y wala ng liwanag,
Ito ba'y dulot ng masamng kalamidad?

Bagyo't mga unos dapat nating paghandaan,
Hagupit ng maamng kalamidad di natin maiiwasan,
Maging alerto isabulat ang kalaaman,\
Sa mga nangyayari sa ating kapaligiran,

Kabataan huwag sirain magagadang tanawin,
Ganun din likas na yaman na biyaya sa atin,
Kapag ito'y nawala pa'nu bukas na darating,
Inang kalakasan huwag nating pasakitin.

Upang baha'y malunasan, tayo'y magtanim ng mga puno,
Ikaw na walang pakialam itigil ang pagtotroso,
Sumangguni't magsumbong sa maimpluwensyang tao,
Kagubata'y maprotektahan, di na makakalbo.

Kapag masamang kalamidad ay lilisan,
Gawing kaaya-aya, buhay na makabuluhan,
Masamang simulain tuluyan ng lubayan,
Bagong pag-asa't kaligayahan,kamtin ang kaunlaran.

MINIMITHING PANGARAP
Johnny Tagare
Noong ako'y isinilang sa mundong ginagalawan,
Pakiwari ko'y kayhirap,kayramot ng kapalaran,
Bakit ganito buhay ay kay simple lang,
Minimithi kong pangarap akin kayang makakamtan?

Sa aking murang edad wala akong iniisip,
Pakikipaglaro sa kapwa ang aking laging sambit,
Isinantabi muna ang pangarap, sadyang napakalupit,
Ito ba'y tuluyan ng mawawala't di na makakamit?

Salamat na lubos magulang ko'y nariyan,
Ako'y pinag-aral ibinigay ang bagong buhay,
Puno ng pangaral maging ang magagandang asal,
Upang pangarap ko'y unti-unti ng masimulan.

Pangarap ko'y maging doktor o di kaya'y piloto,
Pwede rin isang guro o kaya'y inhinyero,
Talaga bang ganito, isip ko'y litung-lito,
Abogado na lang kaya para ako'y sigurado.

Ngayong minimithi ko sa buhay akin ng natutupad,
Upang makaahon sa kahirapan at sa buhay na salat,
Maipagmamalaki sapagkat may pinag-aralang ganap,
Na isangg nilalang na may munting pangarap.

HIWAGA NG PAG-IBIG
Johnny Tagare

Oh pag-ibig ano bang sikreto mo?
Tunay na masalimuot at napakakonreto,
Ikaw ba'y alamat at bakit ganito,
Isang palaisipan sa bawat tao.

Kung ating wawariin, ang pag-ibig ay para sa dalawa,
Minsa'y nasasaktan, minsan nama'y nagiging masaya,
Hiwaga ng pag-ibig, oh kay ilap pala,
Bakit hanggang ngayon ako'y nag-iisa.

Ang pag-ibig sa diksyunaryo kay raming kahulugan,
Kung iyong iisipin utak ay maguguluhan,
Pag-ibig sa Diyos,sa kapwa o maging sa sarili man,
Kung ika'y iibig ingat ka kaibigan.

Sabi ng iba, ito'y isang pagsasakripisyo,
Hindi pwedeng gawing laro, datatwat laging seryoso,
Kung ika'y magmahal dapat totoo,
Hanggang sa pagtanda iyong iniirog ay kasa-kasama mo.

Banal ang tawag sa tunay na nagmamahalan,
Hangad ng bawat isa ay lubos na kaligayahan,
Dapat ngang ibunyi inyong nararamdaman,
Pag-big ay isang hiwaga salamat at ika'y nariyan.
GAMU-GAMO SA LAMPARA
Johnny Tagare

Isang mapagpalang panahon ang aking nalasap,
Sa munting bahay-kubo dito sa aming siyudad,
Kaysarap ng gabi lalo na't may kayakap,
At maiingay na gamu-gamo sa paligid ay lilipad-lipad.

Sa aking pagtulog gamit ko'y maliit na lampara,
Kaysarap gunitain mga nakaraang ala-ala,
Ala-ala ng kabataan hanggang ngayon ay aking dala,
Na siyang nagdudulot ng ligaya't saya.

Sa mahimbing na pagkakaidlip di ko na alintana,
Mga gamu-gamo'y sa lampara ay papalapit na,
Nagsisilbing tahanan ng bawat isa,
Paano kaya pag lampara'y patay na?

Pagsapit ng umaga, liwanag ay sisikat na,
Na siyang nagbibigay lakas at puno ng sigla,
Ngunit mumunting gamu-gamu ay nasaan na,
Huwag magtago pagkat meron pang pag-asa.

Tunay na kay ligalig gamu-gamo'y kay sarap pagmasdan,
Nakakaalis ng pagod, kapag sila'y humuhiyaw,
Nagdudulot ng kaligayahan na parang walang katapusan,
Kapag lampara'y wala, sila kaya'y nariyan?

AMA DAKILA KA
Johnny Tagare

Ang pagiging ama sa anak ay di isang biro,
Bagkus ito'y responsibilidad at di rin isang laro,
Kayod buong araw, pagod ay di tanto,
Sakripisyo bilang ama, buong buhay iaalay sa inyo.

Taguri sa ating ama ay haligi ng tahanan,
Problema ng pamilya sa kanya ipaalam,
Upang suliranin agad na masolusyunan,
Nang ang kasawian ay mahahadlangan.

Pagpapalaki sa anak ay di pinagsisihan,
Sapagkat ito'y biyaya ng Poong Maykapal,
Kaya't ikaw ama ay isang huwaran,
Sa iyong mga anak, maging sa sanlibutan.

Seguridad ng pamilya ay iyong gabayan,
Nang ang iyong mga anak yapak mo'y masundan,
Kaligayahan ng bawat isa lubos na mararamdaman,
Tungkulin bilang ama iyong ginampanan.

Sa iyong kadakilaan ay ipinagmamalaki kita,
Sa iyong ipinakita ay naging totoo ka,
Respeto sa bawat isa iyong tinamasa
Ito'y dala-dala hanggang sa aming pagtanda.

Dakila ka ama, nais kong sabihin saiyo,
Habang nabubuhay at kasa-kasama mo,
Paano kaya kong ika'y mawalay at maglaho,
Magigiging mabuting ama rin kaya ako, sa magigiging anak ko?

HUWARANG INA

HUWARANG INA
Johnny Tagare

Isang karangalan sa aking pagkatao ang maisilang sa mundo,
Na nagtaatamasa ng kaligayahan at pag-asa na ibinahagi ng idolo ko,
Ang aking ina na hanggang paglaki ay kasa-kasama ko,
Taos pusong pasasalamt at pagmamahal ang nais kong isukli saiyo.

Simula pagkabata ikaw ang siyang tanging gabay,
Upang sa maling gawain ay di maligaw,
Tamang pangaral, maging ang tamang asal,
Nang aking butihing ina at kanyang ibinigay.

Ngayong ako'y nasa tamang edad at nagkaisip na,
Mga tamang gawain patuloy na tinatamasa,
Responsibilidad ko bilang anak dapat kahanga-hanga,
Taas noo kong ipinagmamalaki ang aking huwarang ina.

Ang kahirapan sa buhay ay di isang napakalaking hadlang,
Upang tagumpay ng bawat isa ay di makakamtan,
Edukasyon ay isa sa natatanging paraan,
Aniya ng aking ina, iya'y di mananakaw ninuman.

Salamat ina, ikaw ay nagsilibing inspirasyon,
Hanggang sa aking paglaki ikaw ay laging naroon,
Nawa'y di magwakas ang mundo at magbago ang panahon,
Kung ika'y mawala't lumisan, paano na ako ngayon?