Martes, Hulyo 26, 2011

HIWAGA NG PAG-IBIG
Johnny Tagare


Oh pag-ibig ano bang sikreto mo?
Tunay na masalimuot at napakakonreto,
Ikaw ba'y alamat at bakit ganito,
Isang palaisipan sa bawat tao.


Kung ating wawariin, ang pag-ibig ay para sa dalawa,
Minsa'y nasasaktan, minsan nama'y nagiging masaya,
Hiwaga ng pag-ibig, oh kay ilap pala,
Bakit hanggang ngayon ako'y nag-iisa.

Ang pag-ibig sa diksyunaryo kay raming kahulugan,
Kung iyong iisipin utak ay maguguluhan,
Pag-ibig sa Diyos,sa kapwa o maging sa sarili man,
Kung ika'y iibig ingat ka kaibigan.

Sabi ng iba, ito'y isang pagsasakripisyo,
Hindi pwedeng gawing laro, datatwat laging seryoso,
Kung ika'y magmahal dapat totoo,
Hanggang sa pagtanda iyong iniirog ay kasa-kasama mo.


Banal ang tawag sa tunay na nagmamahalan,
Hangad ng bawat isa ay lubos na kaligayahan,
Dapat ngang ibunyi inyong nararamdaman,
Pag-big ay isang hiwaga salamat at ika'y nariyan.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento