Sabado, Hulyo 30, 2011

MAMAYA NA
(Kaugaliang Pilipino)
Johnny Tagare

Meron akong nais gawin, walang ideya kung papano sisimulan,
Nakakabigat ng loob, utak ay nahihirapan,
Hindi mo ako alipin, maawa ka naman,
Gagawin ko ito, pero mamaya na lang.

Proyekto sa eskwela ang aking iniinda,
Sunog-kilay kong uumpisahan maitaas lang ang marka,
Baon ay madadagdagan, napakawais ko ba?
Pag-iigihan ko para ako'y makaipon pa.

Pagkakuha ko ng cellphone, ako'y merong mensahe,
Ito'y padala pa buhat sa aking kaklase,
Ako'y iniimbitahan, sa party ay makisali,
Sa palagay mo kaya ako'y makakatanggi?

Kung iisipin, sa proyekto ay wala ka ng takas,
Pero sabado pa lang, meron pa namang bukas,
Bahala na si Batman, sayo muna'y aaklas,
Ako'y dadalo't makikikain,makikipaghiyawan ng malakas.


Binibigyan ka ng panahon, responsibilidad mo'y gawin,
Huwag sabihing maya-maya ika'y magsisisi rin,
Ito'y isang oportunidad dapat na sulitin,
Upang ngiti sa mga labi huwag ng papalampasin.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento