Sabado, Hulyo 30, 2011

HAGUPIT NG MASAMANG KALAMIDAD
Johnny Tagare

Di magandang panahon, kalangita'y umiiyak,
Madilim na ulap walang tigil sa pag-iyak.
Kapaligiran ani mo'y wala ng liwanag,
Ito ba'y dulot ng masamng kalamidad?

Bagyo't mga unos dapat nating paghandaan,
Hagupit ng masamng kalamidad di natin maiiwasan,
Maging alerto isabulat ang kalaaman,
Sa mga nangyayari sa ating kapaligiran,

Kabataan huwag sirain magagandang tanawin,
Ganun din likas na yaman na biyaya sa atin,
Kapag ito'y nawala pa'nu bukas na darating,
Inang kalikasan huwag nating pasakitin.

Upang baha'y malunasan, tayo'y magtanim ng mga puno,
Ikaw na walang pakialam itigil ang pagtotroso,
Sumangguni't magsumbong sa maimpluwensyang tao,
Kagubata'y maprotektahan, di na makakalbo.

Kapag masamang kalamidad ay lilisan,
Gawing kaaya-aya, buhay na makabuluhan,
Masamang simulain tuluyan ng lubayan,
Bagong pag-asa't kaligayahan,kamtin ang kaunlaran.





Walang komento:

Mag-post ng isang Komento